Death assistance sa mga namatay kay ‘Sendong’ nakahanda na

NILINAW ni Undersecretary Benito Ramos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council enter (NDRRMC) na nakahanda na ang P10,000 na immediate death assistance para sa mga namatay sa pagbaha sa Iligan.

Ayon kay Ramos, makukuha sa direct claimants ang nasabing pera sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development (CSWD).

Kailangan lang na isumite ang requirements gaya ng death certificate at police blotter.

Sa pagtataya ng NDRRMC aabhot sa mahigit 2,000 ang biktima na namatay sa pananalasa ng bagyong Sendong sa Mindnao, Cagayan de Oro at Iligan City.

Samantala, umabot na sa halos P1 bilyon ang pinsala sa imprastraktura at agrikultura sa pananalasa ng bagyong Sendong sa tatlong rehiyon.

Ayon sa ulat ng NDRRMC, sa ngayon, umabot sa P999,946,415 ang inisyal na pinsala kung saan pinakamalaki dito ay mula sa imprastraktura na umabot sa P998,010,000 habang P1,936,415 naman sa agrikultura.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply