Death toll sa ComVal landslide, umakyat sa 27

PUMALO pa sa 27 ang patay sa pagguho ng lupa sa isang minahan sa Compostela Valley ayon sa ulat kaninang umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang update kaninag alas-6:00 ng umaga, sinabi ng NDRRMC na 23 lamang sa 27 ang may pagkakakilanlan habang walo pa ang iniulat na nananatiling nawawala.

Ayon sa NDRRMC, ang dalawang bangkay na narekober kamakailan lamang ay wala pa ring pagkakakilanlan.

Ikinakasa pa rin ang search operations para sa mga posibleng nananatili pang survivor at maging ang pagkuha sa karagdagan pang bangkay.

Gumuho ag lupa dakong alas-3:00 ng umaga noong Huwebes (Enero 5) sa isang bisinidad ng kabundukan sa Sitio Diat 1 sa Napnapan Village sa Pantukan town sa Compostela Valley.

Isinisisi ang pagguho ng lupa sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa mga nakaraang araw, dagdag pa ng NDRRMC. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply