Death toll sa Pantukan landslide 38 na– NDRRMC

NASA 38 katao na ang bilang ng mga narekober na bangkay sa naganap na landslide sa Pantukan, Compostela Valley nitong Enero 5.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dalawa pang bangkay ang natagpuan kahapon (Enero 11) sa Barangay Napnapan, kung saan naganap ang landslide.

Base sa bulletin ng NDRMMC, mayroon pang 37 katao ang nawawala.

Mula sa search and rescue operations, ay ginawa na itong search and retrieval operations.

Ito ay matapos na lumabas sa assessment ng awtoridad na maliit na ang tiyansa na makakita pa ng survivors.

Ipinatupad na rin ng lokal na pamahalaan ang puwersahang paglilikas sa mga pamilya na naninirahan sa landslide areas.

Anim na bahay din ang dinemolis.

Samantala, sa 38 bangkay na narekober dalawa na lang ang hindi pa nakikilala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply