Defense team ‘magpapasabog’ sa impeachment

IHAHARAP na bukas, Martes ng defense team ang kanilang panibagong depensa na ikayayanig ng prosekusyon ayon sa grupo ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ani defense panel spokesman Atty. Ramon Esguerra, nagpulong na ang kanilang grupo kanina para sa pagpapatuloy ng impeachment proceeding bukas.

Kabilang sa mga pinag-usapan sa meeting ay ang magiging diskarte nila sa isyu sa pagiging prosecutor ng ilang senator-judges at kung paano nila haharapin ang eksplosibong testigo ng prosekusyon.

Sinabi ni Esguerra, maaga pa bukas ay maghahain na sila ng memoranda para kuwestiyunin ang nilalaman ng Article 2 dahil sa tingin nila ay masyado na iyong lumalayo sa usapan sa impeachment court.

Partikular na rito ang statement of assets liabilities and net worth (SALN) ni Corona dahil maging ang hindi nakapaloob sa articles of impeachment ay isinasama na.

Inireklamo naman ni Atty. Esguerra na may dalawang miyembro ng prosekusyon na kumukuha ng video sa kani-kanilang cellphone noong ginagawa ang markings sa SALN ni Corona.

Bagama’t hindi alam ni  Esguerra ang pangalan ng mga ito, pero namumukhaan daw niya ang mga ito.

Maliwanag daw ito ayon kay Esguerra na bawal ang naging asta ng prosekusyon sa ilalim ng gag rule o Senate rules on impeachment.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply