Delaying tactics sa impeachment, ‘di uubra

BINALAAN ni Senate President Juan Ponce Enrile, uupong presiding judge sa impeachment court, ang lahat ng partido laban sa anumang uri ng delaying tactics na magpapatagal sa paglilitis ni Chief Justice Renato Corona.

Tiniyak ni Enrile na magiging maayos ang takbo ng impeachment trial ni Corona na nakatakdang magsimula sa Lunes, Enero 16, 2012, kaya’t hindi papayagan ang anumang pagkilos na magpapaantala sa proseso.

Aniya,   hindi papaygan ang kampo ng prosekusyon at depensa na gawing circus ang impeachment court dahil seryosong kaso ito kung saan nakatutok ang sambayanan.

“We cannot allow filibustering, we cannot allow any disorderliness. We will only allow the lawyers to argue as lawyers,”pagtitiyak ng Senate President.

Nilinaw naman ni Enrile na hindi siya maghihigpit sa mga abogado ng magkabilang panig, basta’t hindi lang sila gagawa ng “dilatory tactics” dahil sa babarahin niya ang mga ito.

“We are not gagging anybody. We will allow them to talk as long as they do not practice dilatory tactics in the proceedings,”ani Enrile.

Hindi naman matantiya ng senador kung ilang araw o buwan ang itatagal ng impeachment trial ni Corona dahil nakasalalay umano ito sa galing ng abugado ng prosekusyon at depensa.

“It depends upon the skills of the lawyers. How they will present their evidence. At makikita natin iyon when they ask their questions,” wika ni Enrile.

Samantala, hindi pa maisasalang sa Lunes si Corona at ang iba pang miyembro ng pamilya nito dahil sa tatalakayin pa ang impeachment court ang mga nakabinbin na mosyon ng magkabilang panig.

Sinabi pa ni impeachment court spokesperson Atty. Valentina Cruz na ang agenda pa lamang sa Lunes ay ang appearance ng prosekusyon at ng abugado ni Corona kung saan bibigyan sila ng sampung minute para sa opening statement.

Matapos nito, tatalakayin naman ng mga senator/judge ang nakabinbin na mosyon para sa pagdaraos  ng preliminary hearing o ang mosyon ng kampo ni Corona na i-dismiss ang impeachment complaint dahil labag daw ito sa Konstitusyon. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply