Delicadeza

SA panahon ngayon, mangilan-ngilan na lang ang nagtataglay ng katangiang delicadeza.

Marami sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan ang nakalimutan na o sadyang itinago na sa baul ang salitang ito.

Isa sa masasabing may delicadeza ay ang sinibak na dating direktor ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Atty. Magtanggol Gatdula na bago naupo sa puwestong naglagay sa kanya sa balag ng alanganin ay nagsilbi ring direktor ng Quezon City Police District.

Kung iba siyang opisyal, hindi magpa-file ng leave of absence si Gatdula at sa halip ay makikisawsaw ito o gagamit ng padrino para maligtas at malinis ang kanyang pangalan sa isinasagawang imbestigasyon ng Department of Justice.

Pero dahil may hiya sa sarili si Gatdula, hinayaan nito na magkaroon ng malayang imbestigasyon at hindi ito gumawa ng anomang alingasngas.

Puwede namang ilaglag ni Gatdula ang hepe ng security na si Mario Garcia subalit hindi niya ginawa ito.

Minabuti na lang niyang lumakad ang imbestigasyon.

Maraming kaibigan at kakilala si Gatdula na nalungkot dahil sa pagkakasibak sa kanya sa NBI.

Maraming mambabatas, isa na si House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte, na tutol dahil kilala niya ang pagkatao ni Gatdula.

Maraming binagong palakad para sa ikauunlad ng ahensiya si Gatdula.

Naging maayos ang bawat tanggapan.

Subalit marami rin ang natuwa lalo na ang mga antigo na sa NBI dahil ayaw nilang ang mamuno sa kanila ay galing sa labas.

Mas mabuti, para sa kanila, na sila-sila lang o talagang organic na miyembro ng NBI ang maging hepe.

Ngayon, may mangilan-ngilang pangalan ang pumuputok na papalit kay Gatdula.

Dalawa sa mga ito ay pawang galing sa Philippine National Police.

Ito’y sina dating PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo at Criminal Investigation and Detection chief Dir. Samuel Pagdilao. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply