DepEd: K+12 ipatutupad na sa Hunyo

SIMULA sa susunod na pasukan sa Hunyo, ipatutupad na ng Department of Education (DepEd) ang unang bahagi ng K to 12 basic education program.

Ito ang sinabi ni Education assistant secretary at spokesman Tony Umali.

Kasama sa K+12 program ang kindergarten, anim na taon sa elementary education (grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high school (grade 7 hanggang 10), at dalawang taon sa senior high school (grades 11 at 12).

Ayon sa DepEd, gagamitin ang dalawang taong nadagdag sa high school para sa mas malalim na specialization, depende sa career na gustong tahakin ng estudyante.

Binigyang diin ni Umali, na sa ngayon, ang papalitan lamang na curriculum ay Garde 1 hanggang Grade 7.

Ipinaliwanag din niya, na ang curriculum na gumagamit ng tinatawag na “spiral progression approach,” ay naglalayong turuan ang mga estudyante upang makapasok sa high school.

Tututukan umano ng DepEd ang Mathematics, partukular na ang Geometry, Algebra at Trigonometry.

Sa K-12 curriculum, grade 7 pa lamang umano ay higher math na ang ituturo.

Hindi rin umano magkakaroon ng Grade 11 at 12 hanggang 2016.

Idinagdag pa niyang nakikipag-ugnayan pa sila sa ibang pribadong institusyon kung paano ipatutupad ang nasabing programa.

Kahit umano ang mga pribadong eskwelahan ay kailangang sumunod sa nabanggit na bagong curriculum.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply