Depektibong langis

UMAASA ang maraming tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan na magkakaroon din ng kalutasan ng kanilang mga problema.

Pero sa mga may kaugnayan sa langis, eh, wala na talaga yatang pag-asa.

oOo

Kabilang sa mga makagagaan ng problema ng mga tsuper at operator ang napababalitang desisyon ng Metro Manila Commission o mga mayor sa buong Metro Manila na iisang ticket na lang ang gagamitin sa lahat ng mga bayolesyon sa trapiko.

Ibig sabihin nito, kapag nahuli ka sa Mandaluyong ng trapik enporser at huhulihin ka rin sa Manila, Caloocan at Valenzuela o saan mang siyudad sa metro, ipakita mo lang ang iyong ticket at hindi ka na huhulihin.

Yan ay kung hindi ka barumbado sa pagmamaneho.

Ito’y hindi katulad ngayon na kanya-kanya ang mga panghuhuli, at humahalo pa ang mga bata ni Ka Kiko Tolentino, mga kotong cop, taga-LTO at taga-barangay.

Alam ba ninyong dahil sa dami ng mga panghuhuli sa kanya-kanyang teritoryo, eh, gutom at utang ang inaabot ng mga tsuper at operator dahil sa istorbo at napakalaking gastos dito?

Kaya nga, itong single ticketing system, kung paiiralin na ay makapagpapagaan sa mabibigat na problema sa buhay ng mga taong manibela.

oOo

Itong problema sa la-ngis ay talaga namang nakahahayblad.

Akalain mo, sa apat na oil price nitong Enero, nakaipon ang mga kompanya  ng langis at gobyerno ng nasa P2.50-P3 kada litro na kanilang  paghahatian.

Nagbaba naman ang mga hunghang ng dalawang beses pero kakatiting naman.

Sinasabing may tongpats ang mga kompanya ng langis na nasa P6-P9 kada litro ng petrolyo at ang gobyerno ng P15 kada litro.

Ano ba ang dapat gawin para makabawi ang lahat sa pandarambong na ito?

PNoy, paano ito, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply