Depensa may listahan na ng mga testigo

MAYROON ng listahan ng mga testigo ang kampo ni Supreme Chief Justice Renato Corona.

Ito ang kinumpirma ng isa sa miyembro ng depensa na si Atty. Tranquil Salvador.

Kabilang sa mga testigo ng kanilang kampo ay ang isang constitutional law expert na si Joaquin Bernas at ang tatlong Supreme Court associate justices na sina Presbitero Velasco, Roberto Abad, Arturo Brion.

Sila ay ihaharap para sa Article 7 na may kaugnayan sa akusasyon na betrayal of public trust sa paggawad o pagpapalabas ng punong mahistrado ng temporary restraining order na magpapahintulot kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para makapagpagamot sa ibang bansa.

Posible ring iharap bilang testigo ng depensa sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr., Reps. Neil Tupas Jr., Jesus Crispin Remulla, Hermilando Mandanas, at Tobias Tiangco, para sa preliminary objection.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply