Depensa nakapuntos sa ikalawang araw ng impeachment trial

KUNG nakapuntos sa unang araw ang prosecution, ang depensa naman ang nagtagumpay sa ikalawang araw ng impeachment trial.

Ito ay makaraang ibasura ng impeachment court ang kahilingan ng prosecution na ipatawag ang asawa, mga anak at manugang nito para  humarap sa paglilitis.

Gayundin, hindi pinagbigyan ng korte ang kahilingan ng prosecution na simulan ang paglilitis sa article 2 na ayon sa depensa ay hindi sila handa.

Ani dating chief justice Serafin Cuevas, lead ng defense panel, na tanging ang article 1 ang kanilang pinaghandaan.

Gayundin, umalma ang mga senator/judges na sina Senador Joker Arroyo at Edgardo Angara kaugnay sa pagnanais ng prosecution na simulan sa article 2 ang paglilitis.

Sinabi ni Angara na maging sila ay hindi handa sa article 2 dahil sa ang tinutukan niya at ng kanyang mga staff ay ang article 1.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply