Depensa, prosekusyon sa impeachment nagbabangayan na

HINDI pa man nagsisimula ang impeachment trial kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona, nag-uumpisa nang magpagalingan sa argumento ang panig ng depensa at prosekusyon.

Ito ay matapos ihain ng prosecution panel sa pangunguna ni Congressman Neil Tupas ang kanilang komento sa hirit ng depensa na magkaroon muna ng preliminary investigation sa kaso bago tuluyang litisin sa impeachment court sa katwirang hindi ito dumaan sa tamang proseso kundi minadali ng mga kongresista ang pagpapasa ng articles of impeachment sa Senado gayung hindi naman matatawag na verified impeachment complaint dahil hindi nabasa ng maraming kongresista ang reklamo.

Sa comment naman ni Tupas na inihain sa impeachment court, sinabi nito na dapat ibasura ng impeachment court ang hirit na preliminary investigation ng depensa at ituloy na ang paglilitis kay Corona.

Giit ni Tupaz, hindi totoong hindi nabasa ng mga kongresista ang reklamo laban kay Corona.

Patutsada pa ni Tupaz, ang sagot ni Corona na inihain sa impeachment court ang masasabing hindi beripikado dahil kapansin-pansin na wala itong pirma ng pinatatalsik na Punong Mahistrado.

Matatandaang hiniling ni Corona sa impeachment court na disiplinahin  ang house prosecution panel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply