Depensa sinopla ni Miriam

SINOPLA ni senator-judge Miriam Defensor-Santiago ang mga teknikal na pagtutol ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ipinaliwanag ng senadora na hindi naman kailangan na laging harangin ng depensa ang mga technical at legal issue, dahil magmumukhang may itinatago ang kanilang panig (depensa).

Iginiit pa ni Santiago na kung walang itinatago ang panig ng depensa ay wala silang dapat na ipangamba sa mga hiling ng prosekusyon na maisapubliko ang kanilang mga ebidensiya.

Bago ito, naghain ng memorandum kampo ng punong mahistrado upang pigilan ang pagbubuklat sa income tax return (ITR) nito dahil ito anila ay hindi kasama wala sa walong article of impeachment.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply