Depensa takot sa resbak ng senator-judges

AMINADONG takot ang Defense Team ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa posibleng ganti  ng impeachment court sakaling igiit ang pag-inhibit sa kaso ng ilang senator-judges.

Ayon kay Defense Lead Counsel Atty. Serafin Cuevas, iniiwasan nila na magkaroon ng lamat ang kanilang relasyon sa 23 mga hurado.

Matatandaang, inakusahan ng Defense Team ang ilang senador, partikular si Sen. Franklin Drilon, na bias at pabor sa prosecution.

Inamin din ni Cuevas na “sensitive concern” ang pagpapa-inhibit sa mga senator-judges.

Para naman sa panig ni Atty. Tranquil Salvador III, sinabi nito na sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga senator-judges ay mas mabuting paghandaan na lang nila ang kanilang depensa ngayong araw para sa kanilang kliyente. Johnny F.Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply