Deployment ng OFWs sa Sudan tinuldukan na

KASUNOD ng inilabas na total ban ng Department of Labor and Employment (DOLE), ititigil na ng pamahalaan ang pagproseso ng mga dokumento ng Overseas Filipino Workers (OFW) na nais magtrabaho sa South Sudan.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, bagamat una nang itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 3 ang status ng sitwasyon sa South Sudan ay kanina lamang naaprubahan ng governing board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang total deployment ban.

Binigyang diin ng kalihim na kinakailangan nilang protektahan hindi lamang ang kapakanan ng mga OFW na nasa South Sudan kundi maging ang mga OFW na patungo palang sa nasabing bansa.

Mananatili aniya ang deployment ban hangga’t hindi pa bumabalik sa normal ang sitwasyong politikal at seguridad sa nasabing bansa.

Sa datos ng DFA, tinatayang nasa 150 Filipino lamang ang nasa Sudan at karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa construction companies, United Nations at ilang non-government organizations.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply