DFA: Alert status sa Libya ibinaba sa level 2

IBINABA na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level na ipinatutupad ng bansa sa Libya.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Raul Hernandez, mula sa level 4, ibinaba na sa level 2 ang alert status kaya maaari na muling iproseso ang papeles ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nais na magtrabaho roon.

Nilinaw din ni Hernandez na ang mga dati nang nagtrabaho sa Libya ang papayagang makapagproseso ng aplikasyon at hindi ang mga bagong nais na magtrabaho roon.

Samantala, 40 OFW mula Syria ang inaasahang uuwi sa bansa ngayong linggo.

Sinabi ni Hernandez, na nakikipagtulungan na sa kanila ang Syrian government para mahanap ang iba pang OFW sa kanilang bansa.

Target anila na mapauwi sa bansa ang kahit 20 porsiyento ng mahigit 5,000 registered OFW sa Syria dahil na rin sa tumitinding kaguluhan doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply