DFA hirap sa pagpapauwi sa OFws sa Syria

NAHIHIRAPAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) na mapauwi ang mahigit sa 4,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Syria dahil karamihan dito ay pawang undocumented o walang legal na papeles.

Ayon sa mga opisyal ng kagawaran, 90-hanggang 95 porsiyento ng mga OFW sa Syria ay pawang hindi nakarehistro sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil pumasok ang mga ito sa nasabing bansa bilang mga turista.

Anila, walang komunikasyon ang kagawaran sa mga undocumented na OFW kaya hindi alam ng pamahalaan kung saan-saan nagtratrabaho ang mga ito.

Gayunpaman, naniniwala naman si Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez na makukumbinsi rin ng pamahalaan ang mga OFW na umuwi sa Pilipinas habang tumitindi ang pampulitikang kalagayan sa Damascus, ang kapitolyo ng Syria.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng kagawaran na kinakausap na ng pamahalaan ang mga amo ng mga OFW upang payagan na makauwi ng Pilipinas.

Inihayag pa ni Henandez na kasalukuyang nasa Damascus si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario upang pangunahan ang pagpapalikas sa mga OFW.

Nakausap na aniya ni Del Rosario ang mga opisyal ng pamahalaaan ng Syria upang humingi ng tulong.

Nakatakda ring makipagpulong ang kalihim sa mga Filipino community sa Syria upang kumbinsihin ang mga ito na umuwi ng Pilipinas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply