DH sa Saudi tumakas sa malupit na amo, di matagpuan ng pamilya

NAWAWALA ang isang overseases Filipino worker (OFW) makaraang tumakas mula sa kanyang malupit na amo sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon sa report sa radyo ng ina ng OFW na si Adelina Velasco, ng Barangay Sevilla, San Fernando, La Union, halos isang buwan na umanong hindi tumatawag sa kanya ang anak nito na si Abegail Olarte na nagtatrabaho bilang domestic helper sa nasabing bansa.

Base umano sa huli nilang pag-uusap ng anak, umiiyak na nagkwento ito sa pamamagitan ng overseas call at nagsumbong na binabastos at pinagmamalupitan siya ng pinagsisilbihang employer at kung minsan ay tinutukan pa ito ng baril.

Ayon kay Velasco, dati na umanong tinangkang tumakas ang kanyang anak ngunit nahuli ito ng mga awtoridad doon at ibinalik sa amo nito.

Nananawagan ang naturang ina sa pamahalaan na tulungan siya na matagpuan ang anak na umano’y nanganganib sa bansang Saudi Arabia.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply