‘Di ako nag-walk-out sa impeachment – Fariñas

NAGPALIWANAG si Ilocos Sur Rep. Rodolfo Fariñas ukol sa sinasabing pagiging tahimik nito sa impeachment kahit miyembro siya ng 11-man prosecution team.

Sa kanyang biglang pagharap sa mamamahayag sa Senado, sinabi ni Fariñas na napakarami siyang text messages na natatanggap at nagtatanong kung bakit hindi siya nasusumpungang aktibo sa plenary.

“I am not one of the complainant but I was elected as one of the prosecutors so they assigned to me the Article 6 and until Article 6 comes on the floor I will  not speak,” paglilinaw pa ni Fariñas.

Subalit sa susunod na linggo ay maaari na aniyang magbigay ng komento si Fariñas dahil pinakiusapan siya ng prosekusyon na tumulong sa ibang usapin ng impeachment.

“Because I have been asked to help out in other article. What they did was to compartalized us. Iba’t iba ang assignment and this is very good also because hindi ito sabog sabog walang leakage so kung ano ang strategy ng isang team for a certain article, sila lang po ang privy doon,” paglilinaw pa ni Fariñas.

Kahapon ay napaulat na nag-walk out si Fariñas sa isinagawang briefing matapos hilingin ng prosecution team sa impeachment court na ipagpaliban na lamang ang pagdinig matapos aminin na wala silang testigo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply