‘Di pagliban gawing new year’s resolution ng mga absenerong kongresista– obispo

PINAYUHAN ng isang obispo ng Simbahang Katolika ang mga “absenerong kongresista” na isama sa kanilang New Year’s resolution ang hindi pagliban sa mga sesyon ng Kamara.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, nasasayang lamang ang ipinagkatiwalang kapangyarihan at ipinangsasahod ng taumbayan sa mga mambabatas na walang ibang ginawa kundi ang um-absent at magbutas ng bangko sa Kamara.

Iginiit rin naman ni Medroso sa mga pala-absent na mambabatas na walang ibang makikinabang kapag naging masipag sila kundi sila rin mismo lalo pa’t nalalapit na ang 2013 elections.

“Dapat lang na gawin nilang New Year’s resolution ang di na nila pag-absent sa Kamara,” ayon pa kay Medroso, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply