‘Di pinahiram ng cp ng utol, nagbigti

DAHIL hindi pinahiram ng cellphone ng kanyang babaeng kapatid, isang binata ang nagbigti gamit ang jacket ng ina sa Camarines Sur kaninang madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng asphyxia ang biktimang si Monico Bolron, 20, ng Barangay Mansana, ng San Jose.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang krimen alas 12:45 ng madaling-araw sa loob ng isang abandonadong bahay-kubo na ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Wig Pramis, imbestigador ng PNP San Jose, bago ang pangyayari ay hinihiram ng biktima ang cellphone ng kapatid na babae para batiin ng Bagong taon ang kanyang nobya pero tinanggihan ito.

Pagtatanggol naman sa sarili, sinabi ng kapatid ng biktima na lasing na lasing ang kanyang kapatid kaya hindi niya ito pinahiram ng cellphone.

Masama ang loob, bago umalis ay kinuha nito ang jacket na khaki ng kanyang ina at saka lumabas ng kanilang bahay.

Ilang oras lamang ang lumipas ay natagpuan na lamang ito na wala nang buhay at ang ipinalupot sa leeg ay ang mismong jacket ng kanyang nanay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply