Dingdong Dantes nambugbog muna ng babae para maging MMFF Best Actor

SA NAKARAANG review ng PMPC sa mga pelikula ng katatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF), totoo nga ang sinabi ni Kris Aquino sa kanyang programa noong bago naganap ang MMFF na ibang Dingdong Dantes ang mapapanood ng madlang pipol sa kanilang pelikulang “Segunda Mano.”

Kung noon ay laging pa-tweetums at pang-boy- next-door type ang kanyang roles sa mga teleserye at pelikula, isang problemadong personalidad naman ang kanyang ginampanan sa “Segunda Mano” dulot ng kanyang masamang karanasan noong siya ay bata pa.

Ang istorya ay nagsasaad na dahil sa kanyang traumatic experience sa kanyang mga magulang— ang kanyang ina ay nahuli niyang nangangaliwa na siyang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang ama na nagbaril sa kanyang harapan— lumaki siyang may galit sa mga babae na siya ring dahilan para pagmalupitan niya, bugbugin, hanggang patayin ang kanyang asawa na ginampanan naman ni Angelica Panganiban.

Na-inlove siya kay Kris Aquino na humantong din sa kanyang pagmamalupit dito dala pa rin ang trauma at galit sa dibdib para pagtangkaan niyang patayin ito sa bandang huli, pero nabigo naman siya.

May katwiran ang mga hurado na bigyan siya ng parangal na Best Actor dahil sa kanyang maganda at madamdaming pagganap sa “Segunda Mano,” ‘yun nga lang sabi naman ng mga katotong manunulat, kinailangan pa niyang mambugbog ng mga babae para maging best actor at tumaas na daw ang level ng acting nito kasi tinapos na niya ang pa-cute effect nito sa screen na tama lang na iwan na niya dahil hindi na siya teenager.

Bow!

***

Gov. Jeorge ‘ER’ Ejercito magpapahula kay Kris Aquino

SPEAKING of Kris Aquino, na buong ningning na hinulaan daw nito na mananalong Best Actor si Dingdong sa MMFF, sinabi naman ni Gov. Jeorge “ER” Ejercito, ang lead actor ng “Manila Kingpin: Asiong Salonga Story” na sa susunod na kumpetisyon ay magpapahula na rin daw siya kay Kris para siya ay maging best actor, dahil magaling daw itong manghula.

Sinabi niya ang makahulugang statement na ito sa nakaraang interview sa kanya ni Cristy Fermin sa “Paparazzi” show kamakailan. Umani ng maraming awards ang kanyang pelikulang Asiong puwera ang Best Actor Award na kanyang inasahan sanang makamit.

Napakaganda ng pagkagawa ng pelikula, na naging dahilan para tanghalin itong Best Picture at magaling ang production design, editing at direksiyon ni Direk Tikoy Aguiluz na tama lang tanghaling Best Director.

Magaling din ang performance ni Gov. Jeorge “ER” Ejercito sa “Manila Kingpin:…” at worthy din sanang magkamit ng tropeyo bilang Best Actor pero gaya nga ng kasabihan… “you win some, you lose some.”

Pero sabi nga niya, magaling na manghuhula si Kris kaya nakuha nga ni Dingdong ang Best Actor award. Kung anuman ang iniisip ng sambayanan sa pahayag niyang ito, kayo na ang bahala. Hehe…

***

Pagpasok ng American Idol sa TV5, kinabog ang Siyete at Dos

TV5 proverbially started 2012 not with a whimper, but with a big bang by contracting the former American Idol David Archuleta to star in its forthcoming dramaserye with Jazmine Curtis Smith and TV5’s Star Factor grand champ Eula Caballero, as in kinabog ang dalawang kalabang networks sa pagpasok ng international celebrity.

Nagpalabas na ng statement si Perci Intalan, ang TV5 VP for Entertainment Production na talagang nakaamba ang malalaking proyekto ng Kapatid Network kabilang na dito ang Temptation Island (Dare To Win), Makeover Show hosted by Paolo Bediones, Sharon Cuneta Show, Edu Manzano show na ka-tandem ang socialite na si Tessa Prieto Valdez. Pero ang panghuling statement ni Perci Intalan ay tip of the iceberg pa lang daw ang mga iyon dahil may nakahanda pa silang mas malaking pangkabog.

Ano kaya ang mga iyon? Kaabang-abang daw talaga! Di abangan ang susunod na kabanata.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply