Disc jockey patay sa sobrang workout

MATIGAS na ang katawan nang matagpuan ang katawan ng isang disc jockey sa loob ng isang VIP room ng pinapasukang KTV sa Sta. Cruz, Maynila, iniulat ngayon.

Nakilala ang biktima na si Ernesto Silva, 40, ng Pinagbuhatan, Pinalad Road Pasig City.

Sa report ni SPO2 Gerardo Rivera,ng Manila Police District-homicide section, bago nakitang patay ang biktima sa Room 11 ng Leido de Paris KTV na matatagpuan sa panulukan ng Ongpin at Gonzalo Puyat St. Sta. Cruz, Maynila, kahapon (Enero 19) ay nagtungo pa ito sa Hunter gym sa may Lope de Vega St. sa Sta. Cruz.

Nabatid na laging nagtutungo sa naturang gym ang biktima pagtapos ng kanyang trabaho bilang disc jockey.

Matapos makapag-gym ay nagpahinga umano ito sa nasabing VIP room ngunit hindi na ito nagising pa.

Sa pahayag ng waiter na si Michael Canillas, ginigising nito ang bitkima dahil lilinisin niya ang kuwarto subalit hindi na tumutugon ang biktima kaya agad na ipinaalam niya sa kinauukulan.

Hinala ng pulisya, na posibleng napagod ng husto sa pag-eehersisyo ang biktima at dahil kulang din sa tulog sa magdamag nitong trabaho ay bumigay na ang kanyang katawan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply