Distrito ni Iggy pangangasiwaan ni SB

PANSAMANTALANG pangangasiwaan ni House Speaker Sonny Belmonte ang naiwang distrito ni Negros Occidental Rep. Iggy Arroyo.

Ang take-over ni Belmonte ay upang  matiyak na hindi mapababayaan ang mga proyekto para sa mga mamamayan ng nasabing lalawigan.

Kasabay nito, pinag-aaralan ang pagtatalaga ng panibagong OIC sa distrito ng pumanaw na mambabatas, pero kailangan pa itong dumaan sa tamang proseso.

Si Arroyo ay pumanaw dahil sa cardiac arrest habang nagpapagamot sa London.

Lumalabas na si dating First Gentleman Mike Arroyo ang nagkumpirma sa balitang pumanaw na ang kanyang kapatid kahapon ng alas-12 ng tanghali.

Bagama’t wala pang malinaw na detalye hinggil sa burol ng bayaw ni dating Pangulong  Gloria Arroyo, tiniyak naman ni Atty. Mike na iuuwi sa bansa ang bangkay nito.

Nagtungo sa London si Rep. Iggy upang magpagamot sa kanyang sakit sa atay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply