DOJ may shorlist na ng ipapalit kay Gatdula

MAYROON ng shortlist ng mga maaaring pumalit sa sinibak na si National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula ang Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa isang interbyu, na may pagpipilian na siya sa mababakanteng posisyon ni Gatdula.

Gayunman, iginiit pa rin ni Pangulong Aquino na bigyan ng due process ang pagkakatanggal kay Gatdula bilang hepe ng NBI.

Ani Pangulong Aquino, lumitaw sa isinagawang preliminary investigation na may mga pagkakataong nabigyan ng impormasyon mismo si Gatdula ukol sa pagkakadetine ng Japanese na si “Noriyo Ohara” ngunit wala itong ginawang aksyon.

Ipinaliwanag ng Pangulo na kung lumabag sa illegal entry si Ohara, ay hindi dapat ito ikinustodiya ng NBI, kundi ng Bureau of Immigration (BI).

Itatalaga naman ng DOJ ang officer-in-charge (OIC) sa NBI ngayong araw o sa Lunes (Enero 23).

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, naisilbi na ng Office of the Executive Secretary ang termination letter kay Gatdula kahapon (Enero 19).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply