Donasyon ng solon sa Sendong victims ‘di mapakikinabangan

HINDI umano mapakikinabangan ng mga nabiktima ng bagyong Sendong ang donasyon ng isang mambabatas kung totoo nga dahil sa ito ay isang kagamitang de-kuryente.

Batay kasi sa sumbong na ipinaabot kay matang kuwago ng Remate, ilan sa mga media personality na recipients ng naturang kagamitang de kuryente ay hindi na makuha pa ang kanilang parte dahil sa katwiran ng staff ng mambabatas na i-dinonate na umano sa mga biktima ng bagyong Sendong.

Laking gulat at pagduda naman ng mga mga miyembro ng media kung paanong magagamit ng mga nasalanta ng bagyong Sendong ang naturang kagamitan gayong wala sila sa sarili nilang tahanan at wala ring maayos na suplay ng kuryente sa kanilang probinsya.

Hinala tuloy ng mga dapat na tumanggap na media, mukhang mayroon na namang sumalisi sa tanggapan ng mambabaas kung hindi iniregalo sa iba ay tiyak ibinenta o ni-raffle.

Kung ibenta ang naturang appliances ay tiyak na kikita dahil sa binili ang naturang gamit sa isang mamamahaling mall na matatagpuan sa Ayala.

Heto pa, baka naman ginamit sa pamumulitika ng  ilang ambisyoso at may mga kamag-anak na pulitiko ang kumulimbat na staff ng mambabatas.

Nabatid pa ni matang kuwago na hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng walaan ng regalo o hindi na makubra ang regalong para sa media dahil ito ay nagaganap umano kada taon lalo na’t sanay mamigay ng pare-parehong regalong appliances sa mga miyembro ng media ang mambabatas.

Hindi lang natin alam kung alam ito ng mambabatas maging ng kanyang Chief of staff o baka naman busy pa rin sa pakikipaglandian este pakikipaglambingan kaya hindi nito alam.

Gusto ninyo ba ng clue kung sinong mambabatas ang ating tinutukoy? May letrang N sa kabuuan ng kanyang pangalan as in Nabigong maging magara ang buhay.

At ang naturang appliances ay masarap kuhanan ng katas ng mga nais uminom ng sariling katas ng isang pagkain.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply