Donasyon sa Black Nazarene ilalaan sa biktima ni ‘Sendong’

IBIBIGAY ang malilikom na donasyon ng simbahan ng Quiapo sa kapistahan ng itim na Nazareno sa Enero 9 sa mga biktima ng bagyong “Sendong” sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Ito ang inihayag ngayon ni Msgr. Clemente Ignacio, rector at parish priest ng Minor Basilica of the Black Nazarene.

Layon umano ng simbahan na higit pang makatulong sa mga nasalanta ng bagyong “Sendong” kaya naman ang malilikom nilang donasyon sa Enero 9 ay kanilang ilalaan sa dalawang lalawigan ng Northern Mindanao na partikular na sinalanta ng flashflood na ikinamatay ng libong residente.

Sa taya ng Manila Police District at nang opisyal ng Quiapo church, posibleng  mas marami ngayon ang bubuhos sa kapistahan ng Black Nazarene kumapara noong nakalipas na taon kung saan may pitong milyong deboto ang nagtungo sa Quaipo.

Ayon kay Manila Police District (MPD) spokesman C/Insp. Erwin Margarejo, magdadagdag sila ng mga tauhan na aabot sa 2,500 para magbigay ng seguridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply