Dorothy Day

VENERABLE Dorothy Day.

Isang pangalang hindi kilala ng taong bayan. Ang kwento ng buhay ni Dorothy ay mapupulutan ng aral at isang inspirasyon sa mga kababaihan. Ipinganak siya noong Nobyembre 8, 1897 sa Brooklyn, New York.  Si Dorothy Day ay anak ng isang tagasulat.

Si Dorothy Day ay isang matalinong babae kaya’t binigyan siya ng isang iskolarship ng University of Illinois noong siya ay labing-anim na taong gulang palamang. Gusto niyang suportahan ang kanyang sarili at hindi tumanggap ng tulong mula sa kanyang ama na si John Day.

Ngunit, pagkatapos lamang ng dalawang taon ay huminto na siya sa pag-aaral at naghanap ng trabaho sa New York. Sa pagiging talentadong taga-pagsulat gaya ng kanyang ama at mga kapatid, marami siyang pinasukan na trabaho sa New York.

Maraming nakarelasyon si Dorothy Day noong siya ay nagtratrabaho. Ngunit, biglang gumuho ang kanyang mundo nang malaman niya na nabuntis siya ni Lionel Moise, isang dating sikat na tagapagbalita. Hindi sumang-ayon si Moise sa ideya ni Dorothy Day na pakasalan siya kaya’t nagpasya si Dorothy Day na ipalaglag ang kanyang anak. Ang mga pangyayaring ito ay nagdulot ng matinding kalungkutan kay Dorothy Day. Naisipan niyang magpakamatay dahil sa pinagdaanan niya.

Nagpakasal ng madalian si Dorothy sa ibang lalaki ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama. Si Dorothy Day ay pinaghinalang isang prostitute ngunit ito ay dahil sa kaugnayan niya sa International Workers of the World. Siya ay isang aktibista na ipinaglalaban ang mga karapatan ng mga babae. Ikinasal ulit si Dorothy Day kay Forster Batterham. Si Forster Batterham ay hindi naniniwala sa isang panginoon ngunit dito naman nagsimula magkaroon ng matinding pananampalataya si Dorothy Day.

Araw-araw kinakausap ni Dorothy ang Panginoon. Tuwang-tuwa si Dorothy nang malaman niya na buntis siya at inisip niya na ito ang pagpapakita ng pagpapatawad ng Diyos sakanya. Ipinganak Tamar Theresa Day noong Marso 3, 1927. Hindi rin tumagal ang kasal ni Dorothy Day kay Forster Batterham at naghiwalay rin sila.

Nakilala ni Dorothy Day si Peter Maurin na nagsilbing nagapatnubay at gabay ni Dorothy Day. Nagtulungan sila sa pagtaguyod ng Catholic Movement. Si Dorothy Day ay patuloy pa rin sa pagsusulat ngunit para naman sa mga Katolikong lathala. Mayroong isang pangyayaring importante para kay Dorothy Day. Bumisita siya sa bahay ng isang kaibigan at doon ay nakita niya ang nanay ng kanyang kaibigan na nakaluhod at nagdadasal. Sa sandaling iyon, lalong tumindi ang kanyang pananampalataya.

Si Dorothy Day ay namatay noong Nobyembre 29, 1980. Maituturing magandang ehemplo si Venerable Dorothy Day dahil sa mga pinagdaanan niya. Lahat ng tao ay magkakaroon ng problema at minsan ay gusto mo na sumuko ngunit dapat ay wag mawawalan ng pagasa dahil ikaw ay makakahanap ng silong. Ang importante ay huwag sumuko dahil may darating na tagapagligtas. Ito man ay tao o pangyayari, may darating na magbabago ng lahat, kailangan lang natin maging matatag para ito ay hanapin o hintayin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply