Drayber na nag-dirty finger binaril sa puwet

BINARIL sa puwet ng hindi nakilalang salarin ang isang drayber matapos na mag-dirty finger ito sa una sa may kahabaan ng MRT Avenue, Dreamland, Purok 2, Barangay New Lower Bicutan sa lungsod ng Taguig, kaninang madaling araw.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Investigation Detective Management Section (IDMS) ng Taguig City Police Headquarters, nakilala ang biktima na si Michael D. Dineo, 29, drayber at nakatira sa Pio Felipe St., MRT Avenue, Purok 1 ng nabanggit lungsod.

Napag-alaman ng IDMS na dakong 1:30 ng madaling araw ng maganap ang road altercation sa pagitan ng dalawa na kung saan ay sumenyas umano ng “dirty finger” ang biktima na naging dahilan upang mabugnot ang nakaalitan nito at barilin siya sa puwet.

Mabilis namang naisugod sa pagamutan ang biktima habang nakatakas naman ang hindi nakilalang salarin.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply