Drilon nanindigang di babaguhin ang istilo ng pagtatanong

NANINDIGAN ngayon si Senador Franklin Drilon na hindi mababago ang linya ng kanyang pagtatanong sa impeachment trial, kahit pa pormal nang hiniling ng defense panel na tuluyan siyang madiskwalipika sa
paglilitis.

Sinabi ni Drilon na walang magiging pagbabago sa paraan ng kanyang pagtatanong kahit may ganitong mosyon ang panig ng depensa.

Nanindigan din ang senador na siya hindi mag-i-inhibit sa impeachment proceedings.

Giit pa ni Drilon, hindi tamang ihirit na mag-inhibit siya dahil lamang sa pagtatanong para mapalabas ang katotohanan.

Nauna nang hiniling ng depensa na mag-inhibit sa paglilitis ang senador, nang magawa niyang maipalabas ang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Chief Justice Renato Corona, sa pamamagitan ng pagtatanong sa testigong si Clerk of Court Atty. Enriqueta Vidal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply