Drilon pinag-i-inhibit sa impeachment

IMINUNGKAHI ng defense team na magbitiw si Senator-Judge Franklin Drilon sa ginaganap na impeachment trial ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Attorney Ramon Esguerra, tagapagsalita ng depensa, na nais nilang mag-inhibit si Drilon dahil sa pagiging bias nito matapos tulungan ang prosekusyon para mapalabas ang statement of assets,
liabilities and net worth (SALN) ni Corona.

Gayunman, magpupulong pa umano sila ngayong araw para sa pagpapatuloy ng impeachment trial bukas (Enero 24), kabilang na ang kahilingan sa pag-inhibit ni Drilon.

Nauna nang ipinagtanggol ni Senate President at Impeachment Court Presiding Officer Juan Ponce Enrile na ginagawa lamang ni Drilon ang tungkulin nito bilang senator-judge sa impeachment court.

Samantala, iginiit din ni Esguerra na bawal ang ginagawa ng prosekusyon na paglalathala ng kanilang ebidensiya dahil paglabag ito sa gag rule ng Senado. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply