Drilon sa defense team: ‘Bakit ako mag-i-inhibit?’

NEVER na mag-i-inhibit si Senator-judge Franklin Drilon bilang isang hukom sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona kahit pormal nang hiniling ng panig ng depensa sa impeachment court.

Ani Drilon, walang basehan ang hinihiling ng depensa kaya hindi siya susunod.

Sa 18 pahinang mosyon, inilahad ng depensa ang pagpapakita ng bias o pagkiling ni Drilon sa panig ng prosekusyon.

“The conduct of Senator Judge Drilon has drawn the attention of the public, casting doubt on the integrity of the impeachment trial process and even the impartiality of the judges themselves.”

Ayon pa sa mosyon, hindi dapat nagpapakita ng pagkiling ang isang hukom na “rule of thumb” sa bawat judicial proceeding.

Matatandaang sa pamamagitan ng pagtatanong ni Drilon, napilitang inilabas ni SC clerk of court Enriquetta Vidal ang kopya ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng punong mahistrado.

Sa pagtatanong din ni Drilon nabunyag na si Corona ang umaktong “attorney in fact” para sa kanyang anak sa isang transaksyon ng pagbili ng ari-arian.

Binanggit din sa mosyon na ang mga aksyon ni Drilon ay nagdulot ng reaksyon mula sa publiko at maging sa nanonood noon sa paglilitis na si dating senador Francisco “Kit” Tatad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply