DSWD pinipili ang binibigyan ng cash assistance

UMAALMA ang mga biktima ng bagyong “Sendong” matapos na marami sa kanila ang hindi nabigyan ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nagmula ang reklamo ng mga biktima sa ibinibigay na tig-P500 ng kagawaran na nanggaling kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Ayon sa mga biktima, may ‘’favoritism’ umano ang taga-DSWD, dahil ang mga binigyan lang umano ng naturang cash assistance, ay iyong mga nakatira lamang sa evacuation center.

Ngunit ayon kay City Social Welfare and Development Officer Mrs. Nen Salon, desisyon iyon ng mga grupo ni dating Pangulong Estrada, dahil ang mga nasa listahan na nasa evacuation centers lamang ang kanilang binibigyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply