Dumukot sa Chinese trader natiklo

NAKUWELYUHAN ng government security forces ang miyembro ng isang gang na nasa likod ng pagdukot sa isang Chinese-Filipino trader sa North Cotabato noong nakaraang taon.

Sinabi ni Maguindanao police chief Marcelo Pinlac, natiklo ang suspect na si Oyo Bewang nitong Linggo ng hapon (Enero 29) sa North Upi town habang ito ay magkakasa pa ng pagdukot sa isang negosyante.

Nakumpiska kay Bewang ng isang kalibre .45 pistol at isang hand grenade. Dalawa sa kanyang kasamahan ang nakatakas at ngayon ay tinutugis na ng awtoridad.

“We received earlier intelligence report about a plan by a syndicate group to abduct traders so we alerted our men,” pahayag ni Pintac.

Sinabi rin ni Pintac na kinukumpirma pa nila kung si Beywang ay kasapi sa isang grupo ng kidnapping for ransom syndicate (KFR).

Sa ngayon aniya ay kakasuhan na muna nila si Beywang ng illegal possession of firearms and explosives.

Sinabi rin ni Pinlac na naghahanda na rin sila para masusing magmasid sa kapaligiran dahil tumaas ang bilang ng pagdukot sa mga local Chinese sa nasabing rehiyon.

Noong Mayo 2011, sinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang Filipino-Chinese businesswoman na si Angeline Mantigue sa North Upi town din. Pinalaya rin si Mantige ilang linggo ang nakalipas matapos itong dukutin. Robert C. Ticzon

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply