Dyaryo

MALIIT pa ako ay mahilig na akong magbasa ng dyaryo.

Kaya naman ako ang taga-abang sa umaga ng taga-deliver ng dyaryo sa bahay.

Uso pa noon na ang nagde-deliver ng dyaryo ay nakabisikleta at iiwanan niya sa harap ng bahay ang kopya.

Lingguhang maningil ang taga-deliver ng dyaryo at ako ang tagabayad.

Kaya nakilala ko si Obet, ang taga-deliver.

Nag-umpisang mag-deliver ng dyaryo si Obet noong nasa high school pa siya.

Kuwento niya sa akin na pagkatapos niyang mag-deliver ng dyaryo ay hahabulin na niya ang una niyang subject sa eskwelahan.

Ilang taon ang lumipas ay naka-graduate na ng high school si Obet.

Pagkatapos, nag-aral siya sa college at nagpatuloy ang pagde-delivera niya ng dyaryo.

Lumipas ang panahon at wala na akong naging balita kay Obet.

Noong bagong abogado ako ay may hinarap akong kaso sa mahigpit na judge.

Palibhasa ay bagito kaya halos turuan at pagalitan ako ng judge.

Pagkatapos ng hearing pinatawag ako ni judge sa opisina niya.

Kinabahan ako.

Pagpasok ko ay nakangiting binati niya ako.

“Kamusta ka na, Ariel?

Di mo ba ako kilala?

Ako si Obet, yung taga-deliver ng dyaryo sa bahay niyo.”

Naging abogado at judge na pala si Obet.

Sa pagsisikap ay na-abot niya ang kanyang pangarap.

Kaya, mga reader, pag-bili niyo ng dyaryong bi-nabasa ninyo, tandaan ninyo yung taga-tinda at baka paglipas ng panahon katulad din siya ni Judge Obet.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa ariel.inton@gmail.com.

Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply