Dyip sumalpok sa puno sa hi-way killer, 5 sugatan

NASUGATAN ang limang pasahero makaraang bumangga ang sinasakyan nilang jeep sa puno, sa center island ng Commonwealth Avenue sa Quezon City kagabi, Enero 1.

Nakilala ang nasugatan ding driver na si Ruben Mendoza.

Nabatid na pauwi na ng Novaliches ang mga biktima nang mawalan ng preno ang jeep kung saan imbes na madamay ang ibang sasakyan, minabuti na lang ni Mendoza na isampa sa center island ang jeep.

Ilang minuto din naipit ang paa ng driver sa loob ng nawasak na jeep bago na-rescue ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) rescue team.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply