E-trike gugulong na sa Cabanatuan City

GUGULONG na sa Cabanatuan City ang mga electronic tricycle na makasasagip sa paglipana ng polusyon na nakasasama sa kalusugan.

Sa tulong ng programa ng Department of Energy (DOE), kumpiyansa si City Administrator Jose Roy Balagtas na magiging malaking tulong ito sa kalikasan bukod pa sa magiging matipid sa bulsa lalo na ng mga driver.

Ang pamamasada ang isa sa mga pangunahing hanap-buhay sa lalawigan at makakatulong ang e-trike pagdating sa pagtitipid sa pagkonsumo ng langis.

Kilala ang Cabanatuan bilang Tricycle Capital of the Philippines na may humigit kumulang na 13,500 authorized units na namamasada sa buong lungsod.

Bukod pa rito, ang e-trike ay makatutugon sa suliranin sa sunud-sunod na pagtaas ng produktong petrolyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply