E-trikes

ANG Department of Energy (DOE) ay nagpaplanong humingi ng inisyal na US$100 milyon mula sa Clean Technology Fund (CTF) upang mapondohan ang 20,000 mga electric tricycle na balak gamitin sa susunod na dalawang taon.

Ayon kay Energy Secretary Jose Rene Almendras, ang mga e-trikes ay makapagbibigay ng mas abot-kayang singil sa pasahe bukod sa pagiging environment-friendly nito kumpara sa mga tricycle na gumagamit ng gasolina o krudo tulad ng mga kuliglig.

Ang CTF ay isa sa dalawang multi-donor Trust Funds na sinusuportahan at pinopondohan ng Asian Development Bank at ng World Bank.

Ang CTF ay naglalayong suportahan ang mabilis na paggamit ng mga low-carbon technology kasama na ang mga cost-effective measures sa pagpigil ng paglaki ng mga greenhouse gas emissions na isa sa mga dahilan ng global warming.

Ang mga halimbawa ng greenhouse gas emissions ay ang carbon dioxide emissions (CO2), methane at biomethane emissions (CH4), nitrogen oxides (N2O), at mga natural gas power plant. Sa madaling salita, polusyon.

Ang e-trike din daw ay magbibigay ng mas malaki o magandang kita sa mga drayber nito.

Noong Miyerkules (Enero 17), sabi ni Almendras na maaring humigit pa sa $100 milyon ang proyektong ito depende sa budget ng isang local government at sa mga kompanyang gagawa ng mga nasabing sasakyang pampubliko.

Natatandaan ko pa noong ako’y nagpunta sa Makati Fire Station taong 2009 upang saksihan ang inagurasyon ng eJeepney na proyekto ng dating alkaldeng si Jejomar Binay.

Sampung eJeepney ang nagsimulang bumiyahe at hindi ko alam kung ito’y nadagdagan pa.

Ang isang fully-charged eJeepney ay kayang tumakbo ng 65 kilometros at may lulan na 14 pasahero kabilang ang drayber nito. Ano na nga ba ang nangyari dito sa libreng sakay na ito at ilan pa kaya ang gumagana sa ngayon?

Nabawasan ba ang polusyon sa Makati? Sa palagay ko ay hindi dahil patuloy naman ang pagdami ng mga prangkisa ng mga jeep at bus. Sa pinaplano ng DOE na 20,000 e-trikes ay makatulong nga kaya ang mga ito sa pagbawas ng polusyon? Sana nga.

Sa pondong US$100 milyon ay may iba pa namang proyektong mas epektibo siguro ang pwedeng pag-gastusan nito. Habang patuloy ang nabalitaan kong  pagbenta ng prangkisa ng mga taga-LTFRB ay hindi mababawasan ang polusyon na gustong solusyonan ng DOE. Ang pagbaba ng pasahe at paglaki ng kita ng mga magiging e-trike drayber ay wala naman sa layunin ng CTF.

Baka may iba pang solusyon Secretary Almendras kaysa masayang naman ang milyon-milyong dolyares na iyan.

***

Binabati ko ang aking mga magulang sa kanilang ika-45 wedding anniversary ngayon! Naway tumagal pa ang inyong pagsasama at pagmamahalan at patuloy na maging ehemplo sa inyong pamila, kamag-anak, at mga kaibigan.

***

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operators nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y mag-text sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply