Eastern Samar nilindol

NILINDOL ng may magnitude 4.1 ang Eastern Samar kaninang alas 4:55 ng umaga, Enero 20.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakasentro ang pagyanig sa Timog-Silangan ng bayan ng Mercedes.

Nabatid na tectonic in origin ang naturang lindol na naitala sa intensity 2, at naramdaman din sa bayan ng Salcedo sa Eastern Samar.

Wala namang naiulat na nasaktan at aftershocks sa nasabing pagyanig.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply