Eastern Visayas binaha

NAKARANAS ng pagbaha ang ilang bahagi ng Eastern Visayas bunsod na walang tigil na pag-ulan dulot ng tail-end of the cold front.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga tinamaan ng pagbaha ay ang Barangay Luan sa bayan ng Dulag; Barangay Inayapan sa bayan ng Isabel; at limang barangay sa Merida na pawang nasa lalawigan ng Leyte.

Nagpatupad din ng preemtive evacuations ang mga awtoridad sa Barangay 56 sa Upper Nula Tula at inilipat sa Barangay 74, Lower Nula Tula; habang nagsilikas din ang ilang residente mula sa Barangay 100 na pawang nasa Tacloban City.

Dahil dito, inilikas ang mga residente dahil sa panganib ng landslides kung saan nagsimula umanong maglaglagan ang debris at mga tipak ng bato.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply