Ebidensiya at konsensiya batayan sa impeachment

EBIDENSIYA at konsensiya ang paiiralin ng ilang Senador-judges sa paghatol sa kasong kinakaharap ni Supreme Court Chief Renato Corona sa impeachment court.

Nilinaw ni Senador Edgardo Angara na anoman ang maging hatol niya at ng kanyang mga kasamahang senator-judge ay hindi nangangahulugan na kakampi o kalaban sila ng presidente.

Giit ng senador, ang ebidensiya ang kanilang pagbabatayan sa paggagawad ng hatol at anoman ang gagawin nilang hatol ay hindi para kaninuman kundi para sa kapakanan ng bayan.

Samantala, sinabi naman ni Senador Lito Lapid na handa na siya at ang kanyang mga abogado para sa paglilitis kay Corona.

Ayon sa senador, binasa niya ang walong articles of impeachment laban kay Corona habang bakasyon kaya ebidensiya rin ang kanyang pagbabatayan para magdesisyon.

Giit ni Lapid, hindi totoo na may gumagapang sa kanila para paboran ang impeachment kay Corona.

Biro pa ng senador, hihintayin niyang may kumausap sa kanya kaugnay dito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply