EcoWaste: 14 lucky charms may lead content

NAGBABALA ang Ecowaste Coalition sa publiko na hindi maganda sa kalusugan ang 14 na lucky charms na ibinebenta sa Binondo para sa pagdiriwang ng Chinese New Year dahil ito ay positibong nagtataglay ng toxic metals.

Ayon sa grupo, batay sa isinagawa nilang pagsusuri, mayroong lead at iba pang toxic metals  ang mga lucky charms at ornaments.

“Our scientific findings indicate the presence of lead and other hazardous substances in some popular Chinese New Year charms and curios. The toxic chemicals have nothing to do with the auspicious stuff many Filipinos buy in Chinatown in the hope of stimulating good luck and fending off misfortune,” ayon kay said Aileen Lucero ng EcoWaste Coalition’s Project Protect.

Bumili ang grupo ng 30 samples ng nasabing produkto noong Enero 18 at 20 at isinailalim ito sa chemical analysis sa pamamagitan ng X-ray fluorescent (XRF) device.

Kabilang sa sinuri ang feng shui amulets, bagua, bracelets, piggy bank, door signage, dragons at iba pang animal figurines, joss paper at sticks, kiat-kiat money tree, red fish hanging decor, rice urn at iba pang “enhancers at activators” para sa good health at fortune.

“Manufacturers should substitute toxic with non-toxic ingredients, and importers, distributors, sellers and consumers should all demand nothing less than safe products,” ayon kay Lucero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply