Effigy ni PNoy sinunog ng miyembro ng SCEA

SINUNOG ngayon ng mga miyembro ng Supreme Court Employees Association (SCEA) ang effigy ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa harapan ng gusali ng Korte Suprema bilang pagsuporta kay Chief Justice Renato Corona

Sinabi ni SCEA Jojo Guerrero, na ito rin ay tahasang pagkondena sa anila’y pagmamadali ni Pangulong Aquino na maisulong ang layunin nito na mapatalsik sa puwesto ang punong mahistrado.

Ayon pa kay Guerrero, patuloy nilang susuportahan si Corona dahil naniniwala silang wala itong kasalanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply