Eh ano ngayon kung mai-impeach si Corona?

AKALA ng mga onorabol na kung maiimpits at tuluyang masibak bilang Chief Justice si Ka Atong Corona, eh, solb na ang mga problema ni Juan.

Sa totoo lang, wid or widawt yang impitsmen na yan, napakarami ang problema ni Juan na dapat sanang unahin na lutasin nina PNoy at mga KKK nito sa Kamara.

oOo

Pero balik tayo, Suki, sa impitsmen.

Isa lang si Ka Atong sa mga tinik sa lalamunan nina PNoy sa pakikipag-agawan nila sa kapangyarihan kina Gloripie at iba pa.

Di ba may magic 13 sa mga mahistrado?

Yung mga bumoto sa pagbuwag sa Hacienda Luisita ang tinutukoy natin.

Eh kung mayorya sa mga ito ang haharap sa mga susunod na kaso ni Corona, ano sa palagay ninyo ang mangyayari, huh?

Sapagkat katulad ni Erap, malamang na hindi lang basta maaalis sa puwesto si Corona.

Maaaring sasampahan din siya ng mga kasong kriminal, sibil o administratibo.

Sa palagay niyo ba, eh, mako-convict si Corona sa mga kasong ito sa harap ng kanyang mga kakosa sa Korte Suprema?

Baka wala na si PNoy sa Malakanyang, eh, wala pa ni isa sa mga kasong ito ang may linaw.

At paano kung lalayas ang mga KKK kay PNoy sa huling araw gaya ng paglayas ng mga alagad ni Gloripie nang ito’y lumayas na sa Malakanyang?

oOo

Balik naman tayo sa mga problema ni Juan.

Higit na problema ni Juan kaysa sa impitsmen ang paghahanap ng ikabubuhay.

Eh dedma si PNoy sa kontraktuwalisasyon at wage hike sa parte ng mga obrero.

Dedma rin siya sa oil price hike na pumaplat sa gulong ng buhay ng mga tsuper at motorista, negosyante, magsasaka at iba pa.

Kita niyo, Suki?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply