Emergency drill sa mga paaralan iminungkahi

DAHIL sa naganap na kalamidad na nagresulta sa pagkamatay ng daan-daang mamamayan, iminungkahi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagsasagawa ng emergency drill sa lahat ng paaralan.

Ayon kay Phivolcs director, Dr. Renato Solidum, kulang ang mga itinuturong emergency drill sa mga eskwelahan at hindi sapat para matugunan ang kaligtasan sa pansariling kapakanan.

Sinabi pa ni  Solidum na hindi lamang dapat earthquake drill ang ituro kundi maging ang flood at tsunami drill upang magkaroon ng kaalaman ang bawat tao kung ano ang kanilang dapat gawin sa oras ng panganib.

Hinimok din ni Solidum ang bawat barangay at lokal na pamahalaan na pangunahan ang emergency drill para magin handa ang mga residente sa lugar na kanilang nasasakupan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply