Empleyado ng DPWH tinambangan patay sa Zamboanga

HINDI na umabot pa sa ospital at nalagutan na ng hininga ang isang empleyado ng Department of Pulic Works and Highways (DPWH) makaraang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Zamboanga City.

Nabatid na nagtamo ng apat na sugat sa katawan ang biktima na si Richard David, 37, isang engineer umano ng DPWH Regional Office 9.

Sa imbestigasyon, pauwi na sana si David sa kanilang bahay sakay ng kanyang puting Mercedes Benz, nang harangin siya ng apat na mga lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo, at bigla siyang pinagbabaril sa daan.

Hindi na umabot pa sa ospital ang biktima.

Wala namang nawala o ninakaw sa gamit ng biktima, maging ang kanyang .45 caliber pistol ay hindi rin nawala.

Ayon sa mga awtoridad, hiwalay umano sa asawa ang biktima, pero hindi pa nila matukoy kung may kinalaman ito sa pamamaslang kay David.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply