Enrile dedma sa ‘panggigipit’ kay Cuevas

DEDMA lamang at hindi na pakikialaman ni Senate President Juan Ponce Enrile ang sinasabing panggigipit kay dating justice secretary Serafin Cuevas na umatras bilang lead defense ni Chief Justice Renato Corona na nililitis sa impeachment court.

“Hindi na kailangan pang talakayin ang isyu dahil makakagulo la’ang ito at lalo pang magpapabagal sa proseso ng paglilitis kay Corona,” ayon kay Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na kung sakaling may maghahain ng mosyon hinggil sa naturang isyu, wala siyang magagawa kundi aksiyunan ang isyu.

“Kung may mosyon, wala tayong magagawa kundi talakayin ito,” aniya

Umugong ang balitang may emisaryo ang Palasyo na nakipag-usap kay Cuevas na pinipilit siyang magbitiw bilang lead counsel ng defense team ng punong mahistrado.

Mahigpit namang pinabulaanan ng Palasyo ang naturang paratang.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply