Enrile handang magbitiw bilang presiding judge

HANDANG magbitiw si Senate President Juan Ponce Enrile bilang presiding judge ng Impeachment Court para ibigay sa sinumang nagnanais at hindi kuntento sa kanyang mga rulings.

Mahigit isang oras lamang tumagal ang pagdinig ngayong araw kung saan tila naging open forum ang Impeachment Court dahil sa pagpipresenta ng ebidensya.

“Ako ay walang kinikilala at kinikilingan dito sa kasong ito. Wala akong kinikilalang amo na dapat pagsilbihan kungdi ang taumbayan at ang aking bansa. Hindi po ako magiging kasangkahapn ng sinuman at hindi ako papayag na gagamitin ang hukumang ito na ako ang magpre-preside sa mga hindi makatuwirang sistema or paghuhusga sa kasong ito. Kung sakaling hindi ninyo matanggap ang aking pamamalakad sa paglilitis, open ako, ibibigay ko ang aking upuan sa gustong pumalit sa akin,” pahayag ni Enrile.

Nauna rito ay pinangaralan ni Enrile si Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr. ang head ng prosecution panel, na linawin ang mga pleadings at mga kahilingan nito sa Impeachment Court.

Pinagsabihan ni Enrile si Tupas na ayusin ang mga ebidensya para sa ikadadali ng paglilitis.

Naunang hiniling ni Tupas na maging maluwag ang Impeachment Court sa paglalabas ng mga ebidensya at gawin aniyang mabilis ang paglilitis subalit nang ipinalilinaw ito ni Enrile ay hindi makasagot ang kongresista.

“We submit your honor.” Ito lang ang naisagot ni Tupas at matapos magsermon ni Enrile ay agad na sinuspinde ang pagdinig.

Muli ay nag-ruling si Enrile na dapat maghain ang prosekusyon ng memorandum sa Impeachment Court bukas (Enero 25) ng alas-10:00 ng umaga na walang extension.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply