Enrile hindi masisibak sa pwesto – Senators

TIWALA ang senator-judges na hindi aabot sa pagbaba sa puwesto ni Senate President Juan Ponce-Enrile ang simpleng aberya sa impeachment proceedings kaugnay ng kaso ni Chief Justice Renato Corona.

Naging emosyonal si Enrile matapos walang tumutugon sa kanyang panawagan sa kapwa senator-judges na maglatag ng limitasyon kung gaano sila kaluwag pagdating sa paghihigpit ng panuntunan, lalo na sa pagprisinta ng ebidensya at testigo kasunod na rin ng madalas na panghaharang ng depensa sa hakbangin ng prosekusyon.

Una rito, hiniling ng House prosecution panel na maging maluwag sa pagpapatupad ng rules ang impeachment court.

Binanggit ni House lead prosecutor Rep. Neil Tupas ang ilang beses umanong pagsupla sa kanila ng impeachment court kaugnay sa paraan ng kanilang paglalatag ng mga ebidensiya.

Inihalintulad pa ni Tupas ang impeachment court sa isang ordinaryong  korte at ang nangyayaring paglilitis ay mistulang ordinaryong criminal case lamang.

Pero nang hingan ng suhestyon ni Enrile si Tupas sa gusto niyang paraan ng paghawak sa paglilitis, wala namang naialok na panukala ang kongresista.

Sa panig ng Senate President, iginiit nito na may umiiral na Rules of Impeachment at Rules of Court na kanyang ginagamit na pamantayan sa kanyang mga desisyon.

Itinanggi rin ni Enrile na may kinikilingan siyang panig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply