Enrile tutol na ilipat si GMA sa ordinaryong kulungan

TUTOL si Senate President Juan Ponce Enrile na ilipat sa isang ordinaryong piitan ang dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Sen. Enrile, dapat irespeto si Ginang Arroyo dahil naging Pangulo ito ng bansa sa loob ng siyam na taon.

Nagpayo pa si Enrile sa mga awtoridad na maghinay-hinay at huwag gipitin ang dating Pangulo.

Sinabi pa niya na dapat maparusahan si Gng. Arroyo, ito ay kung mapatutunayan na “guilty” o nagksala siya sa kasong electoral sabotage.

Ngunit habang dinidinig aniya ang kaso nito ay dapat na irespeto ang pagiging dating Pangulo nito.

Si Gng. Arroyo ay naka-hospital arrest ngayon sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City dahil sa kasong electoral sabotage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply