Environmentalist nagbabala ng isa pang pagbaha sa CDO

HINIMOK ng isang environmentalist sa Cagayan de Oro City ang mga lokal na opisyal ng lungsod na ayusin at linisin ang lahat ng river bank at flood prone area sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang panibagong trahedya na maaaring dumating sa loob ng anim na buwan.

Sinabi ni Orlando Ravanera, isang environmentalist at regional director ng Cooperative Development Authority, na maaring may pagbaha pang darating na mas malala pa sa idinulot ng bagyong “Sendong.”

Tinawag si Ravanera na “prophet of doom” nang ilahad nitong may darating na pagbaha dalawang taon na ang nakalipas kung magpapatuloy ang illegal na pagmimina at pagpuputol ng kahoy sa mga bundok ng Cagayan de Oro.

Noon ay walang nakinig sa kanya at binalewala lamang ang kanyang babala kaya ngayon ay muli itong nanawagan sa lokal na pamahalaan at mga ahensya na itigil ang mga iligal na gawain sa kabundukan.

Umaasa ito na sanay pakinggan na siya ng mga tao at ng mga lokal na opisyal sa pagkakataong ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply